DAHIL SA PAGDAGSA NG MGA BISITA PAPUNTANG BORACAY NGAYONG HOLY WEEK PCG AKLAN NAKA HEIGHTENED ALERT

34
Kalibo, Aklan – Nasa heightened alert ngayon ang Philippine Coast Guard PCG-Aklan dahil sa pagdagsa ng mga bisita papuntang Boracay ngayong Holy Week.
Ayon kay Senior Petty Officer Dominador Salvino ng PCG-Aklan, Caticlan Headquarters nagpakalat na sila ng maraming personnel para magsagawa ng security measures simula Abril 8 pa hanggang Abril 22, 2022.
Aniya regular na nilang ginagawa ito sa isla ng Boracay tuwing Semana Santa kung saan binabantayan nila ang mga bisitang nag a-island hopping at nagsasagawa ng iba pang sea sports activities gayon din ang pagbantay nila sa posibleng maritime incidents.
May K-9 Units din umano sila na nakagawian nang nag sasagawa ng paneling at inspection sa mga pasahero at kani-kanilang bagahe laban naman sa posibleng kontrabando.
Facebook Comments