Pagpapalakas ng Philippine Women’s Commission, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

67

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 167 na layong paigtingin pa ang Philippine Commission on Women.

Sa ilalim ng amendment, nakasaad ang komposisyon ng komisyon.

Pamumunuan ito ng chairperson na itatalaga ng pangulo. Magiging full-time basis ang pagsi-silbi nito at mayroong ranggo at benepisyo ng isang undersecretary.


Dinagdagan o pinaghiwalay rin ng Executive Order (EO) ang representante mula sa sektor ng Senior Citizen at Persons with Disabilities.

 

 

 

 

 

Ibig sabihin, mula sa dating sampung representante sa hanay ng non-government organization, ang komposisyon ng mga miyembro ng komisyon mula sa civil society groups ay nasa 12 na.

Ang mga pinuno naman ng government agencies na magsi-silbing ex-officio members ay maaaring magtalaga ng permanent alternatives na kakatawan sa kanila tuwing magkakaroon ng mga pulong ang komisyon at hindi dapat bababa sa Assistant Secretary ang rango ng kanilang itatalaga.



Magkakaroon rin ng Secretariat ang komisyon, na siyang mangangasiwa ng mga technical at administrative services para sa mga miyembro ng komisyon.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang kautusan noong ika-6 ng Abril, 2022.


Facebook Comments