Job order employee ng BI, arestado sa pangongotong sa dayuhan

Sinibak na ng Bureau of Immigration (BI) ang job order employee ng BI na nangotong ng Chinese national sa Muntinlupa City.

Kasama rin sa naaresto ng Southern Police District (SPD) ang siyam na iba pang kasabwat ng suspek.

Unang nagpakilala ang suspek na siya ay immigration officer subalit kalaunan natuklasan na ito ay job order employee.


Ang job order employees ay contractual personnel ng BI kung saan sila ay may anim na buwang kontrata.

Facebook Comments