Rep. Marcos, iginiit na fake news ang kumakalat na pahayag nya ukol sa presyo ng sibuyas

Iginiit ni ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na ‘fake news’ ang kumakalat na “quote card” sa social media na iniuugnay sa kanya ukol sa mataas na presyo ng sibuyas.

Paglilinaw ito ni Marcos makaraang i-share sa social media ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang nasabing quote card na sinamahan pa niya ng komento.

Sa naturang quote card na may mukha ni Congressman Sandro at logo ng isang media network ay nakasaad na simpleng solusyon, kung mahal ang presyo ng red onions ay pwedeng gumamit ng white onions.


Diin ni Marcos, wala siyang ganyang pahayag at wala ring interview ukol sa presyo ng sibuyas.

Kaugnay nito, sinabi ni Baguilat na bilang nagsusulong ng laban kontra misinformation ay dapat mas maging maingat at iberipika munang mabuti ang mga ibinabahaging impormasyon.

Facebook Comments