
Matutunghayan ngayong araw ang “June Solstice”, isang mahalagang pangyayaring astronomikal sa paglalakbay ng daigdig sa paligid ng araw.
Ayon sa PAGASA, eksaktong alas-4:24 ng hapon ngayong Hunyo 21 magaganap ang June Solstice.
Dahil dito, mararanasan sa Pilipinas ang isa sa pinakamahabang oras ng liwanag sa buong taon.
Mas mataas din ang posisyon ng araw sa kalangitan tuwing tanghali at bahagyang mas maikli ang gabi.
Bagama’t tinatawag itong “Summer Solstice” sa mga bansang may apat na panahon, hindi ito nangangahulugan ng pagsisimula ng tag-init sa Pilipinas.
Sa halip, isa lamang itong pananda na nasa pinakahilagang posisyon ang araw sa kalangitan.
Hinihikayat ng PAGASA ang publiko na higit pang palawakin ang kaalaman tungkol sa agham at astronomiya.










