Sunday, June 21, 2026

Manila LGU, gumagawa ng paraan para masolusyunan ang pagdami ng mga pasyente sa mga district hospital nito

Nakalatag na ang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Maynila hinggil sa nangyayaring pagdami ng pasyente sa mga district hospitals ng lungsod.

Sa panayam ng Manila City Hall Press Club kay Vice Mayor Chi Atienza, sinabi nito na target ng lungsod na magtayo ng mga superhealth center para maibsan ang siksikan sa mga ospital na pinapatakbo ng lungsod sa bawat distrito nito.

Paliwanag pa ng bise alkalde, kumpleto ang mga medical equipment sa mga itatayong super health centers mula x-ray, MRI, at iba’t-bang mga kagamitan na kinakaialngan ng mga pasyente.

Pero sa kabila nito humingi naman ng pang-unawa si Vice Mayor Chi sa publiko na bagamat may plano ang lungsod ay kinakailangan dumaan ito sa masusing pag-aaral lalo na ang mga plantilla positions ng mga tauhan ng naturang mga healthcenters.

Maganda ang kanilang plano subalit ayaw nilang magmadali at baka kapusin ang lungsod ng pampasweldo sa mga healthcare workers na itatalaga sa nasabing mga super healthcare facilities.

Posibleng matapos ang naturang pasilidad subalit matengga ang pagbubukas dahil walang sapat na pondo para sa mga healthcare workers.

Pagtitiyak ni Vice Mayor Chi na patuloy sila ni Manila City Mayor Isko Moreno na gumagawa ng paraan para maisakatuparan ang nasabing plano sa pinakamadaling panahon.

Facebook Comments