Kalibo, Aklan – Generally peaceful ang selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan Festival 2023, ito ay ayon kay PCOL Crisaleo Tolentino, Provincial Director ng APPO (Aklan Police Provincial Office), sa isang ambush interview kahapon ng umaga, sa ABL Sports Complex, Capitol Site pagkatapos sa isinagawang Site Task Group Ati Fest 2023 Awarding Ceremony. Ayon kay PCOL Tolentino, wala umanong nairecord na mga major incident ang Aklan PNP sa weeklong celebration ng Kalibo Ati-atihan Festival 2023. Mayroon umanong mga minor incident na nairecord katulad ng mga away, pero agad naman itong napacify ng mga kapulisan. Dagdag pa ni PCOL Tolentino, na may record umanong nawawalang bata pero naibalik naman agad ito sa kanilang mga magulang. Malaking tulong din umano na maraming kapulisan ang nai-deploy sapagkat maayos na naipatupad ang peace and order sa naturang selebrasyon. Samantala, ang mga kapulisan naman na nagpakita ng katangi-tanging pagserbisyo sa kanilang mga designated areas at sa selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan Festival 2023 ay ginawaran ng APPO ng parangal sa hiwalay na aktibidad. Sa kabilang banda, ayon pa kay PCOL Tolentino, na hanga ito sa pagsisikap at kontribusyon ng mga kapulisan sapagkat napanatili ng mga ito ang ligtas at mapayapa ang selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan Festival 2023.
Facebook Comments