Kamara, on-target sa pag-apruba ng proposed 2023 national budget sa Oktubre

Nananatiling on track ang deliberasyon ng House committee on appropriations sa proposed 2023 national budget upang maabot ang deadline nito sa Oktubre.

Sinabi ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co na siyang committee chairperson ay doble kayod ang mga mambabatas upang matapos ang mga pagdinig habang tinututukan ang mga sektor at ahensya na kinakailangan ng pondo.

Kabilang ito ang mga sektor na tumutugon sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers, mga walang matirhan, manggagawa at mga mirco small and medium enterprises o MSMEs.


Ayon kay Co, ito ang mga sektor na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic at ang pagbangon ng mga ito ay magsisilbing susi sa pagbangon ng buong bansa.

Mababatid na tiwala si House speaker Martin Romualdez na maaabot ng Kamara ang deadline bago ang September 30 deadline upang maaprubahan at maibigay na ito sa Senado.

Facebook Comments