Kampanya kontra droga, kailangan i re-calibrate matapos ang pahayag ng pangulo na 7 milyon ang adik sa bansa

Kailangang i-recalibrate o baguhin ang kampanya kontra droga ng pamahalaan makaraang ibunyag ng Pangulong Duterte na 7 hanggang 8 milyon ang drug users sa bansa.

Sinabi ito Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, sa real numbers forum sa Camp Crame ngayong umaga.

Sinangayunan ni Carreon ang bagong estimate ng pangulo, kasabay ng paliwanag na maaring hindi naisama sa unang estimate ang lahat ng mga gumagamit ng droga, kabilang ang mga occasional drug users.


Dagdag pa nito kailangang magkaroon ng bagong survey para madetermina ang eksaktong bilang ng mga drug users sa bansa.

Aniya ang dangerous drugs board ang may mandato sa ilalim ng batas para magsagawa ng survey.

Huling survey na ginawa ng DDB at noon pang 2016, kung saan nasa isa’t kalahating milyon lang ang kanilang naitalang drug users sa bansa.
Aniya sa oras na matapos na ang panibagong survey, maari nang i-re- calibrate ng gobyerno ang kampanya kontra droga para maging mas maging epektibo ito.

Facebook Comments