Kampo ni dating Rep. Arnolfo Teves Jr., hindi pa matiyak kung kailan makakalabas ng PGH ang dating mambabatas

Blangko pa si Atty. Ferdinand Topacio kung kailan makakalabas ng Philippine General Hospital (PGH) ang kanyang kliyenteng si dating Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Topacio, hihintayin na lamang nila ang instructions ng mga doktor ng PGH kung kailan maaaring bumalik sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si Teves.

Una nang kinumpirma ni Topacio na matagumpay ang naging operasyon kay Teves makaraang ma-diagnose ng appendectomy.

Iginiit din ni Topacio na lehitimo ang life-threatening medical condition ng kanyang kliyente at hindi ito drama.

Inupakan din ni Topacio ang aniya’y mabagal na pag-aksyon ng Bureau of Jail Management and Penology sa mga inmate na may emergency na pangangailangan.

Facebook Comments