
Naka-heightened alert ngayon ang buong 18th Battalion ng Philippine Army sa Lamitan City, Basilan.
Ito ay makaraang sumabog ang isang parcel sa loob ng nasabing military camp na naging dahilan para masugatan ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) noong Lunes ng gabi.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Inaalam na rin ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog at kung ano ang motibo.
Samantala, nasa stable condition na ang nasugatang CAFGU member at patuloy na nagpapagaling mula sa kanyang tinamong injury.
Kinumpirma rin ni Dema-ala na walang pinsalang naitala sa kampo ng 18th Battalion ng Philippine Army sa Basilan.
Facebook Comments