KAPANA-PANABIK NA AKTIBIDAD, ISASAGAWA SA PADDEREM-MU FESTIVAL

CAUAYAN CITY- Abala ngayon ang mga opisyal ng Brgy. Tagaran sa paghahanda para sa nalalapit na selebrasyon ng Padderem-mu Festival.

Sa panayam ng IFM News Team kay Daniel Acob, Kagawad sa nabanggit na barangay, gaganapin ang kanilang tatlong araw na pagdaraos sa ika-19 hanggang ika-21 ng Agosto.

Aniya, kabilang sa kanilang inihahanda ay ang banchetto kung saan bubuksan ito sa publiko sa ika-3 ng Agosto.


Dagdag pa niya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tatlong araw gaganapin ang kanilang kapistahan dahil mas pinabongga umano ito at nagdagdag din ng mga panibagong aktibidad at patimpalak.

Samantala, kabilang sa mga aktibidad na aabangan ng mga manonood at makikipista ay ang Little Miss Tagaran, Ginang Tagaran, Mutya ng Tagaran, at Tagaran Got Talent.

Facebook Comments