Makikita sa CCTV footage ng establisimyento ang grupo ng mga lalaking umano’y sangkot sa insidente.
Napuwersang buksan ang kandado ng kapehan at may mga itlog na naiulat na natangay.
Sa ibinahaging post ng may-ari, naka-lock umano ang establisimyento bago umalis ang mga staff, ngunit nasira ang padlock matapos itong puwersahang buksan.
Hindi naman umano gaanong karami ang mga gamit na nakuha sa insidente. Hindi rin tinukoy ng may-ari ang mga lalaking makikita sa CCTV footage.
Batay sa pinakahuling impormasyong nakalap, hindi pa naiuulat sa pulisya ang insidente, ngunit plano umanong idulog ito sa mga awtoridad.
Dahil dito, nagbabala ang may-ari sa mga kapwa vendor at business owner sa Bypass na tiyaking maayos ang seguridad ng kanilang mga establisimyento, lalo na bago magsara, upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







