Tuesday, October 13, 2026

17 TIMBANGAN NA HINDI SUMUNOD SA PAMANTAYAN, NAKUMPISKA SA SAN FERNANDO CITY PUBLIC MARKET

Labing-pitong timbangan na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan ang kinumpiska matapos ang isinagawang Operation Timbangan sa City Public Market sa San Fernando City, La Union noong Oktubre 7, 2026.

Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) La Union Monitoring Team, kasama ang mga miyembro ng City Price Coordinating Council (CPCC), ang inspeksiyon kung saan umabot sa 412 timbangan ang sinuri.

Layunin ng operasyon na matiyak ang kawastuhan ng mga timbangan na ginagamit ng mga nagtitinda sa palengke upang matiyak na tama ang timbang at halagang natatanggap ng mga mamimili sa kanilang mga binibili.

Sa pamamagitan nito, patuloy na binabantayan ng DTI at CPCC ang pagsunod ng mga nagtitinda sa mga pamantayan sa pagtitimbang at ang pagpapanatili ng patas na kalakalan sa pamilihan.

Muling pinaalalahanan ang mga nagtitinda na tiyaking tama at naaayon sa pamantayan ang kanilang mga timbangan upang maiwasan ang anumang paglabag at maprotektahan ang karapatan ng mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments