Bahagyang nasugatan ang barangay cahairman ng Tamontaka 1 habang sugatan naman ang kanyang tanod matapos silang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan kahapon alas 10:30 ng umaga malapit sa Cotabato City Science and Technology National High School sa naturang barangay. Slightly wounded si Kapitan Jahmran Pangilan habang nagtamo ng dalawang tama ng bala ang kanyang tanod na nakilalang si Upak Taib Inok na isinugod naman sa isang pagamutan sa lungsod. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng City PNP, abala umano sa pagtatayo o paglalagay ng barangay outpost si Kapitan Jahmran kasama ang kanyang mga tanods sa naturang lugar ng biglang dumating ang anim katao na sakay ng mga single motorcycle na armado na matataas at maliliit na baril. Mabuti na lamang ay nakita kaagad ng mga tanod ang pagdating ng mga armado at doon silay nagkapalitan ng putok ng baril kung saan narinig ng mga residente at mga mag aaral ng nasabing paaralan ang malalakas na putok ng baril. Matapos ang insedente ay mabilis namang tumakas ang anim na mga suspect patungo sa direction ng national hiway, na mabilis naman hinabol ng mga nagrespondeng elemento ng PP3 sa pangunguna ni PSI Leonardo Enggay kasama ang tropa ng 5th Special Forces na nakastation sa Tamontaka dos subalit nakatakas ang mga suspect. Narecover sa crime scene ng SOCO ang 38 piraso ng 5.56 na empty shell o armalite rifle at apat na ammo ng armalite, siyam na empty shell ng calibre 9mm pistol, dalawang basyo g calibre 45 pistol at isang empty shell ng calibre 40.,Sinabi ni Col.Rolly Ogtavio na nagpapatuloy parin ang kanilang inbestigasyon sa insedente habang nagdulot naman ng takot sa mga mag aaral ng Cotabato City Science National High School ang pangyayari at kinahapunan ay kinansela ang klase.
Kapitan at tanod tinarget sa pamamaril kahapon sa Cotabato City
Facebook Comments