Karagdagang 100,000 OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, makakatanggap ng benepisyo

Nakatakdang magbigay ng tulong pinansyal ang Overseas Workers Welfare Administration sa karagdagang 100,000 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ngayong COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac sa interview ng RMN Manila na bibigyan sila ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang bilyong pisong pondo para sa naturang programa.

Samantala, nilinaw ni Cacdac na kakaunti na lamang ang OFWs na umuuwi ng bansa bunsod ng kawalan ng trabaho.


Sa katunayan, 50 hanggang 60 percent ng mga umuuwing OFWs ay nagbabakasyon lamang sa Pilipinas at babalik kalaunan sa kanilang trabaho abroad.

Facebook Comments