KARAPATAN AT KALIGTASAN NG KABATAAN, IPINALIWANAG SA MGA ESTUDYANTE SA VILLASIS

Iba’t ibang batas na naglalayong protektahan ang mga menor de edad ang ibinahagi ng Villasis Municipal Police Station sa mga estudyante ng Don Ramon E. Costales National High School sa Villasis, Pangasinan.

Kabilang sa mga tinalakay ang Anti-Bullying Act of 2013, Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law, Anti-Rape Law, pag-iwas sa child labor at ilegal na droga, gayundin ang kahalagahan ng pagsunod sa curfew para sa kaligtasan ng mga menor de edad.

Isinagawa ang talakayan sa ilalim ng Oplan BES o Bisita Eskwela – I am Strong, na may temang “Empowering Students: Anti-Bullying, Safe Spaces, and Drug Awareness Campaign.”

Ayon sa pulusya, target nitong matulungan ang mga estudyante na malaman ang mga paglabag na maaaring makaapekto sa kanilang kaligtasan.

Kasabay nito, nagsagawa rin ang kapulisan ng information drive tungkol sa mga dapat gawin sa insidente ng pamamaril sa paaralan, kabilang ang pagpigil sa pagpasok ng ilegal na armas at iba pang ipinagbabawal na bagay sa campus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments