Pormal na ibinigay sa Dagupan City Police Office o DCPO ang mga kopya ng Enhanced Katarungang Pambarangay Training Manual para sa wastong kaalaman ng mga pulis at opisyal ng barangay sa pagresponde ng mga alitan sa komunidad.
Itninurn-over ng manual sa Buklod Diwa Hall ng DCPO Headquarters ni Dorothy J. Alarcio-Padilla, ang convenor ng Dagupan City Justice Zone at executive judge ng Regional Trial Court Branch 42 sa Dagupan City.
Nilalaman ng manwal ang mga na-update na gabay sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay Law, na nagsisilbing batayan sa pag-aayos ng ilang sigalot sa antas ng barangay.
Sa pamamagitan nito, layuning mapalakas ang kaalaman ng mga kinauukulan sa proseso ng Katarungang Pambarangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











