Makato, Aklan — Patay ang isang karpentero matapos na pagbabarilin kaninang hapon sa Sitio Ilaya, Brgy. Agbalogo, Makato, Aklan.
Ang biktima ay nakilala kay Ariston Pu-od Ortiz, 37-anyos, residente ng nasabing lugar habang ang isa sa mga suspek ay nakilala kay Chanlie Alejandro Masula, sa tamang edad at residente ng Brgy. Tibiawan, Makato.
Sa report ng Makato PNP, na nakatanggap sila ng tawag kanina galing sa isang concerned citizen na merong shooting incident sa lugar.
Rumesponde sila agad sa lugar sa pangunguna ni PLT Jose I. Iturralde, OIC COP ng Makato MPS at pagdating sa lugar naabutan nila ang bitiktima na nakahiga sa Nipa hut na pagmamay-ari ni certain Bening Pu-od at maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Agad dinala sa hospital ang biktima ng mga rumespondeng pulis pero idineklarang dead on arrival ng doctor.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Makato PNP na habang naka upo ang biktima sa upuang kawayan sa gilid ng kalsada malapit sa bahay ni certain Bening Pu-od ay dumating ang mga suspek at binaril ang biktima.
Nakatakbo pa ang biktima pero hinabol ito ng mga suspek at pinagbabaril hanggang sa matumba.
Base naman sa salaysay ng witness sa mga kapulisan na nakarinig sya ng sunod sunod na putok galing sa may kalsada at ng huli ay kanyang nakita ang dalawang suspek na ang isa ay kanyang nakilala na si Chanlie Masula parehong armado ng long firearms na tumatakbo papunta sa direksyon ng Sitio Bugtong Bato ng nasabing barangay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang manhunt operation laban sa mga suspek para sa posibilidad na pagka aresto nito.
Samantala, na recover naman sa crime scene ang sling bag na pagmamay-ari ng biktima at isang fired cartridge ng twelve gauge shot gun.
Karpentero patay sa pamamaril
Facebook Comments