KASANAYAN NG MGA BARANGAY TANOD, PINALAWAK PARA SA SEGURIDAD SA SISON

Pinalawak ng PNP Sison, katuwang ang MLGOO at LGU-Sison, ang kasanayan ng mga Barangay Tanod sa pamamagitan ng Competency Enhancement Training noong Disyembre 6 bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad sa bayan.

Kasama sa pagsasanay ang pagtalakay sa tungkulin ng Barangay Tanod, pati na rin ang pagsasanay sa arresting techniques at paggamit ng arnis.

Mayroon ding lectures at practical activities sa first aid, disaster response, at iba pang usaping may kinalaman sa peace and order sa komunidad.

Kabilang sa mga nakilahok ang mga Civil Volunteer Officers (CVOs) mula sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsasanay.

Bilang dagdag na suporta, nagbigay ang LGU ng posas sa bawat barangay upang makatulong sa operasyon ng mga tanod at mapatibay ang kanilang kahandaan sa oras ng pangangailangan.

Facebook Comments