Kaso ng ASF sa bansa,nagpapakita na ng pagbaba—DA

May bahagyang pagbaba ang naitatalang kaso ng African Swine Fever (ASF) na sumasalanta sa industriya ng babuyan sa bansa sa huling bahagi ng December 2024.

Ayon kay Department of Agriculture o DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa, bumaba na ang bilang ng mga barangay na pinepeste ng naturang sakit sa baboy simula noong December 27,2024.

Sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), bumaba sa 225 ang bilang ng mga barangay na apektado ng ASF.


Ito ay kung ikukumpara sa 365 barangays na infested ng ASF na naitala ng BAI noong December 6,2024.

Labing-isang rehiyon pa rin ang may aktibong ASF cases as of December 27, 2024.

Kabilang dito ang Abra, Kalinga, Ilocos Norte, La Union, Cagayan, Zambales, Batangas, Quezon, Occidental Mindoro, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Bohol, Leyte, Southern Leyte, North Cotabato, Sultan Kudarat, Agusan del Norte at Surigao del Sur.

Facebook Comments