Kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan, Nadagdagan; 2 COVID-19 Positive, Nasawi

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 549 ang naitalang total active cases ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan matapos makapagtala ng 32 na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang rehiyon dos.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, anim (6) ang naitala sa probinsya ng Cagayan, labing siyam (19) sa Isabela, lima (5) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.

Kasabay ng mga naitalang bagong kaso, nakarekober ang 70 na COVID-19 patients, 40 ang mula sa Cagayan, 26 sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.


Bagamat may naitalang mga gumaling sa virus, binawian naman ng buhay ang dalawang tinamaan ng virus na naitala mula sa probinsya ng Isabela.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 4, 391 ang total confirmed cases sa rehiyon dos, 3,772 ang total recovered cases at 70 ang death cases.

Facebook Comments