Kaso ng dengue, tigdas at diptheria sa bansa, bumaba – DOH

Bumaba ang naitatala ng Department of Health (DOH) na kaso ng dengue, tigdas at diptheria sa bansa mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 10,915 na kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Marso 19 na halos doble ang ibinaba mula sa 20,213 cases sa kaparehong panahon noong 2021.

Aniya, 45 na kaso ng measles ang naitala ngayong taon kumpara sa 83 na kaso noong 2021.


Habang tatlong kaso ng diphtheria ang naitala ngayong taon kumpara sa 11 na kaso noong 2021.

Paliwanag ni Vergeire, ang pagbaba ng nasabing mga kaso ay bunsod ng pagpapatupad ng minimum public health standards, mas kakaunting interaksyon dahil sa COVID-19 restrictions at o hindi pag-uulat sa rural health units.

Facebook Comments