KASTILYONG CHRISTMAS VILLAGE SA TAYUG, INSTANT TOURIST ATTRACTION NGAYONG DISYEMBRE

Iba’t ibang kulay ng mga pailaw ang nagningning sa bayan ng Tayug matapos opisyal na buksan sa publiko ang kanilang Liwanag ng Pasko Christmas Village.

Kakaibang Paskuhan experience ang tampok sa bayan dahil sa itinayong kastilyo na picture-perfect at patok hindi lamang sa mga chikiting kundi pati sa lahat ng Idol of all age!

Masayang nagtipon ang mga residente at bisita mula sa karatig bayan nang pailawan ang Christmas Village upang masaksihan ang pinagmamalaking konsepto ngayong taon.

Napuno ng hiyawan at sayawan ang gabi ng pailaw matapos magtanghal ang iba’t ibang indibidwal ng kanilang mga song and dance number na naging bahagi ng programa.

Mas lalo pang napatalon sa saya ang mga tao nang nagliwanag din ang kalangitan sa pinakaabangang fireworks display at giant christmas tree na siyang naging sentro ng selebrasyon na ito.

Pamilya man o kaibigan, lahat ay nagsasama upang masaksihan ang taunang pailaw na ito na siyang mas nagpapaganda ng Pasko ng bawat residente sa bayan ng Tayug. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments