KAUNA UNAHANG CATFISH PROCESSING PLANT SA BUONG PILIPINAS NA MATATAGPUAN SA BAYAN NG URBIZTONDO, PINASINAYAAN

Pinasinayaan kamakailan lamang sa Brgy. Bayaoas sa bayan Ng Urbiztondo ang pinakaunang catfish processing plant sa buong pilipinas na pagmamay ari ng magsasawang Sapiera.
Pinangunahan ito ng alkalde ng nasabing bayan katuwang ang mga opisyales ng Bureau of fisheries and aquatic resources o BFAR.
Bahagi ng catfish processing plant ng mag asawa ay ang Farm School, Hatchery, Grow-out at Hito Express Franchise.

Samantala, nakapag labas na rin ang naturang planta ng ilang produkto na patok na sa lokal at international market gaya Ng Smoked Catfish, Smoked Gourmet Catfish sa bote, Hito Sisig, Crispy Hito at ang Shanghai. |ifmnews
Facebook Comments