KAUNA-UNAHANG INFOSUMMIT SA SAN CARLOS, TAGUMPAY NA INILUNSAD

Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Panglungsod ng San Carlos ang kauna-unahang Gender and Development (GAD) Awareness and Sensitivity Seminar cum InfoSummit 2025 ngayong Disyembre.

Dumalo rito ang mga information focal person mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga department head, kinatawan ng mga organisasyon, at iba pang lingkod-bayan.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng City Information Office katuwang ang Commission on Population and Development.

Sa unang araw ng summit, isinagawa ang serye ng lecture na nakatuon sa pagpapabuti ng information dissemination sa bawat opisina ng LGU. Layunin nitong sanayin ang mga focal person sa tamang paghawak ng social media, mas maayos na pagkukuwento ng mga kaganapan, at mas malalim na pag-unawa sa usaping pangkasarian.

Nagbigay naman ng mahahalagang kaalaman sa Social Media Management in Government ang Philippine Information Agency. Binigyang-diin dito ang responsableng paggamit ng social media at ang papel nito sa pagpapalakas ng ugnayan sa publiko.

tinalakay din ang tamang paraan ng pagsulat ng balita at artikulo gamit ang praktikal na gabay kung paano maipapahayag nang malinaw at wasto ang mga impormasyon para sa kanilang tanggapan.

Naging tampok sa ikalawang araw ng programa ang GAD Awareness and Sensitivity Seminar ang sesyon na palawakin ang kamalayan at pagiging sensitibo ng mga kawani sa usaping pangkasarian—isang mahalagang bahagi ng makabagong pamamahala.

Sinundan ito ng workshop sa Basic Photography and Videography kung saan natutunan ng mga delegado ang mga pangunahing teknik sa pagkuha ng larawan at video, na magagamit nila sa pagdodokumento ng mga proyekto at aktibidad ng kanilang opisina.

Bilang praktikal na bahagi ng pagsasanay, nagkaroon ng City Tour ang mga kalahok upang subukan ang kanilang natutunan sa aktwal na pagkuha at pag-uulat sa paligid ng lungsod.

Ayon sa mga organizer, ang pagsasagawa ng unang InfoSummit ay isang mahalagang hakbang upang mapabilis, mapahusay, at mapatatag ang sistema ng pagbibigay-impormasyon ng lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging episyente at makabuluhan ang serbisyo para sa mga San Carlenian.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments