Kauna-unahang Overseas Filipino Workers Hospital, magigng operational na sa susunod na linggo

Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day sa May 1, magiging operational na rin ang kauna-unahang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa San Fernando City sa Pampanga.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Sivestre Bello III, libre ang mga serbisyong pangkalusugan para sa employment ng mga OFW.

Kabilang na rito ang medical certificate at laboratory exams at iba pang requirements para sa trabaho ng mga OFWs.


May alok din na ilang serbisyo para sa mga kaanak ng mga OFW nang libre pero pinaplantsa pa ang ilang guidelines para rito.

Ang pagtatatag ng OFW Hospital ay alinsunod sa Executive Order 154 kung saan layunin nito na matulungan at mabigyan ng serbisyong pang-kalusugan ang mga OFWs.

Facebook Comments