KAUNTING KAALAMAN UKOL SA MGA BENEFITS NG SSS, ISA UMANO SA DAHILAN KUNG BAKIT KAKAUNTI LAMANG ANG MAY INTERES NA MAGING MIYEMBRO

Inihayag ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na dahil umano sa kakulangan sa pagbibigay ng information campaign sa mga tao ng ukol sa benefits ng SSS ay isa ito sa nakikitang dahilan kung bakit kakaunti lamang ang nagkaka-interes na magpa-miyembro.
Sinabi ni SSS Central Luzon Division Head Vilma Agapito sa isang press conference sa lungsod ng San Carlos na dahil sa kakulangan ng information campaign ay marami sa mga tao ang hindi nakakaalam sa mga pwedeng makuhang benepisyo sa SSS.
Dahil dito pag-iibayuhin ang pamamahagi ng impormasyon ukol sa mga benepisyong maaaring i-avail ng magpapa-miyembro.

Dagdag pa nito na tanging mga funeral benefits lamang ang maaari nilang -avail sa SSS.
Sa naging panayam naman ng IFM Dagupan sa ilang Pangasinense ay dahil umano sa sobrang daming hinahanap na requirements kung kaya’t hindi na sila nagpapa-miyembro at dahil dagdag bayarin pa raw ito.
Ayon naman kay Yen Magno, nakatira sa Binmaley, dati ng miyembro ngunit natigil lamang sa paghuhulog dahil sa kakulangan ng budget ay medyo nahihirapan na aniya siya dahil palagi umanong offline ang mga opisina sa mga mall kapag nagpupunta ito, minsan aniya ay nahihirapan na siya sa mga impormasyon dahil hindi na nito maintindihan kung paano ang proseso.
Kaya panawagan nito na sana sakaling may mga opisina sa mall, dapat laging mag bukas para hindi na sila mahirapang pumunta pa sa main, iwas gastos at upang malaman ang mga benepisyo ng SSS. |ifmnews
Facebook Comments