PROGRAMANG HATID SUNDO PARA SA MGA MAG-AARAL SSA ISLAND BARANGAY SA LUNGSOD, MULING IPINAGPATULOY NG LGU DAGUPAN

Muling umarangkada sa mga Island Barangay sa Dagupan City ang Hatid-Sundo Program ng Lokal na pamahalaan ng Lungsod sa mga mag-aaral.
Ito ay matapos ang muling pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan sa lungsod nitong Lunes.
Sa tulong ng mga kawani ng Task Force Bantay Ilog ng lungsod, maayos na masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral upang makatawid sa ilog at lulan sila ng motorboat.

Galing ang mga mag-aaral sa Sitio Talaib ng Barangay Calmay at Tococ sa barangay Carael at kasama rin ang kanilang mga magulang.
Ayon sa LGU, layon nitong matulungan ang mga mag-aaral na makapasok ng ligtas sa kanilang mga paaralan dahil upang maibsan ang kanilang hirap sa pagtawid sa mga pilapil sa ilog at umaabot ng halos 30 minutos bago makasakay patungong paaralan.
Nagsimula ang programang ito ng LGU taong 2022, bilang tugon sa hiling ng mga magulang nag-aalala sa kanilang mga anak na pumapasok. |ifmnews
Facebook Comments