Kawalan ng security personnel, ikinakabahala ng mga kongresista

Manila, Philippines – Nababahala si Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel sa kanilang seguridad ngayong tuluyan nang inalis ang kanilang security details sa papalapit na May 2019 elections.

Nangangamba si Pimentel na manganganib ang kanilang buhay dahil sa kawalan ng mga body guards.

Bukod dito, pahirapan pa aniya ang pagkuha nila ng mga security details.


Marami na aniyang pinaslang na kandidato tulad ni La Union Representative Eufranio Eriguel dahil sa kawalan ng security escort at mas lalo pa itong darami kung hindi sila mabibigyan ng mga security personnel.

Sa ilalim ng House Resolution 2421, hinihikayat nito ang DILG at Comelec na magbigay ng final detailed list ng requirements na kailangan ng PNP – Police Security and Protection Group (PSPG) upang mapabilis ang aplikasyon ng mga government officials para sa pagkuha ng security detail.

Facebook Comments