Sa kabila ng pagkuwestion ay nakatakda nang buksan sa mga motorista ang Ilagan-Divilican road sa susunod na taon. Ito ang inanunsyo ni Isabela Gov.Rodolfo Albano III.
Kapag natuloy ito, hindi na maituturing na isolated ang ilang coastal towns ng ng Isabela. Ayon kay Gov. Albano,tiniyak nito sa pagsapit ng taon 2020 ay bubuksan na ang naturang kalsada. Dagdag pa nya na ilang bahagi nalang ng kalsada ang kinukumpuni ng DPWH sa kasalukuyan.
Ang Ilagan Divilacan road ay ang 82-kilometrong kalsada na nagdudugtong sa Ilagan City sa mga bayan ng Divilacan at Maconacon. Magsisimula ito sa Barangay Cabisera 10 at Barangay Sindon Bayabo sa lungsod ng Ilagan at magtatapos Barangay Dicatian sa bayan ng Divilacan.
Matatandaan na unang kinuwestiyon ang grupo ni dating 3rd district representative Napoleon S. Dy, kapatid ni dating Isabela Governor at ngayon ay Vice Governor Bojie Dy ang naturang proyekto. Ito ay dahil sa usaping over pricing. Nagsimula ang konstuksiyon ng daan noong March 2016. Sinasabing nagkakahalaga ng 39 milyon ang bawat kilometro ng daan. Ang kaso ay kasalukuyang nakasampa sa Ombudsman.
Sa kabila nito ay tuloy na ang pagbubukas ng kalsada at oras na mabuksan ito, mas madali at mabilis na umanong transportasyon ang mararanasan na ng mga residente. Mas madali naring mailabas ang kanilang produkto sa kabayanan at kalungsuran.
Base sa natatanggap na impormasyon ay bahagyang bumaba ang presyo ng mga bilihin sa lugar dahil mas accessible na ito sa mga mamamayan at marami na rin ang nangako at nagbabalak na magnegosyo sa coastal town.
Ang coastal towns ng Isabela ay itinuturing na tagong paraiso ng Norte dahil sa mga nakatagong white beaches at malawak na natural bonsai trees.