Manila, Philippines – Inaasahang tuluyan ng mabubuwag ang Road Board na siyang nangongolekta ng pondo mula sa Motor Vehicle User`s Charge o MVUC.
Iminungkahi ang pagbuwag sa Road Board bunsod na rin ng mga corruption issues na kinasasangkutan nito.
Sa ilalim ng naaprubahang bersyon ng panukala, ang mga empleyadong maaapektuhan ng pagbuwag ng road board ay ia-absorb ng DPWH o kaya naman ay pwedeng mag avail ng separation benefits.
Kapag wala naman na ang Road Board, ang pondo mula sa MVUC ay ilalagay sa 4 na magkahiwalay na special trust account sa National Treasury.
40% ng MVUC ang mapupunta sa special national road support fund, 40% din para sa special local road support fund, 10% ang mapupunta sa special pollution control fund habang 10% din ang sa special vehicle pollution control fund at ang hindi magagamit sa MVUC ay ita-turn over sa National Treasury.
Nasangkot sa katiwalian ang Road Board dahil umano sa pagkuha ng kickback ng mga opisyal nito.
Ang pondo para dito ay para sana sa road maintenance at improvement ng road drainage, paglalagay ng traffic lights at road safety devices, at air pollution control.