KOTONG COPS | 9 pulis ng QCPD station 11 – sinampahan na ng kasong administratibo

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong administratibo ang siyam na “kotong cops” ng Quezon City Police District Station 11 na nangikil sa pamilya ng mga naaresto nilang drug suspect kapalit ng kanilang kalayaan.

Kasamang kinasuhan ang hepe nila na si C/ Supt. Igmedio Bernaldez.

Ayon kay QCPD Director sr/ supt. Joselito Esquivel – hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong gawain lalo pa at tinaasan na ang kanilang mga sweldo.


Samantala… bibigyan ng NCRPO ng libreng bakasyon ang mga pulis na mahusay sa kanilang trabaho.

Ayon kay NCRPO Director Camilo Cascolan, paraan nila ito para ipakita ang pagpapahalaga sa matitinong alagad ng batas.

Facebook Comments