
Umabot sa 24 drug personalities ang naaresto at halos ₱377,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa kampanya kontra ilegal na droga sa lalawigan mula Nobyembre 16 hanggang 23, 2026.
Sa loob ng isang linggo, nakapagsagawa ang Pangasinan PNP ng 18 operasyon kontra droga.
Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng 58.745 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na ₱377,298.
Samantala, nasa 24 wanted persons naman ang naaresto sa isinagawang manhunt operations, kabilang ang apat na Most Wanted Persons at 20 iba pang wanted persons.
Nakapagtala rin ang pulisya ng apat na operasyon laban sa mga loose firearms na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal at pagkakasamsam ng dalawang baril.
Ayon sa Pang PPO, bahagi ang mga operasyon sa pagsugpo sa ilegal na droga, paghuli sa mga wanted persons, at pagkontrol sa mga hindi lisensiyadong armas sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










