NAKUHA NA | Warrant of Arrest para sa kasong libel laban kay Trillanes, natanggap na ng NCRPO

Manila, Philippines – Natanggap na ni NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar ang kopya ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes IV mula sa Davao City RTC branch 54.

Kaugnay ito ng kasong libel na isinampa sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang NCRPO sa office of the sergeant-at-arms ng Senado para matukoy ang kinaroroonan ni Trillanes.


Wala raw kasi ang senador sa senado noong Biyernes, gayundin sa bahay nito.

Gayunman, naniniwala si Eleazar na bukas ay kaagad na maghahain ng piyansa si Trillanes tulad ng ginawa nito noon sa kanyang kasong rebelyon.

Facebook Comments