
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari at itinalagang driver na nagsagawa ng illegal u-turn sa North Luzon Expressway (NLEX) at hindi sumunod sa solid white line marking.
Ayon pa sa LTO, maaari umanong maharap sa kasong Reckless Driving, Disregarding Traffic Signs, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang mga sangkot aa insidente.
Sa beripikasyon ng ahensya, nakarehistro ang nasabing sasakyan sa ilalim ng pangalan ng isang kumpanya.
Samantala, pansamantala namang sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver habang isinailalim naman sa alarm status ang nasabing sasakyan habang gumugulong pa ang imbestigasyon.
Facebook Comments










