Wednesday, June 17, 2026

Korte Suprema, wala pang desisyon sa petisyon ni Senator Alan Peter Cayetano matapos magpalit ng liderato

Hihintayin muna ang magiging aksyon ng Korte Suprema sa petisyon kaugnay sa isyu ng Senate leadership.

Ito ay kasunod ng inihaing petisyon ni Senator Alan Peter Cayetano at ilang miyembro ng mayorya kahapon sa Supreme Court para hilingin na maglabas ng status quo ante order at ipawalang bisa ang sesyon noong June 3 kung saan nahalal si Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.

Ngayong araw kasi nang magsagawa ng special session ang Kongreso at pormal na hinalal si Gatchalian bilang bagong Senate President matapos makakuha ng sapat na bilang ng senador para makabuo ng quorum.

Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, maghihintay pa rin muna ng aksyon mula sa Kataas-taasang Hukuman kaugnay sa naturang petisyon.

Batay din sa petisyon ng grupo nina Cayetano, iginiit nila na nararapat lamang na makialam ang Korte Suprema upang ituwid ang umano’y maling nangyari dahil maaari daw itong magbukas ng pinto para sa mga katulad na paglabag sa hinaharap.

Facebook Comments