Ayon sa ilang kalalakihan, malaking tulong sa kanilang mental health ang paglalaro ng basketball.
Anila, sa tuwing sila ay naglalaro, nakakalimutan nila ang mga problema sa araw-araw na buhay, nababawasan ang stress at anxiety, napapaganda ang mood, at napapalakas din ang kanilang social connection, confidence, at mental resilience.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay University Coach Aldea C. Meneses, mahalagang tiyakin ang pagiging physically fit bago sumabak sa larong basketball upang maiwasan ang anumang problema o injury sa gitna ng laro.
Dagdag pa niya, bilang isang coach, inuuna niya ang kapakanan ng kaniyang mga players hindi lamang sa kompetisyon kundi maging sa kanilang training upang masigurong ligtas at handa ang bawat isa.
Ayon naman kay Ivan Gabriel, isang basketball player, malaki ang naitutulong ng basketball sa kaniyang mental health at sinisiguro rin niya na nasa maayos na kondisyon ang kaniyang katawan bago maglaro.
Sa kabuuan, patuloy na nakikita ang basketball bilang hindi lamang isport kundi isa ring mabisang paraan upang mapanatili ang kalusugang pangkaisipan ng mga kalalakihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










