PAMASAHE SA MGA PAMPASAHERONG TRAYSIKEL SA MANAOAG, POSIBLENG MAGBAGO; MGA TSUPER, PINULONG PARA SA BAGONG TARIPA

Posibleng magkaroon ng bagong singil sa pamasahe ang mga pampasaherong tricycle sa Manaoag, Pangasinan matapos isagawa ang public hearing para sa panukalang municipal ordinance na magtatakda ng updated na taripa para sa mga pasahero.

Sa pampublikong pagdinig na pinangunahan ng Committee on Transportation and Public Utilities kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, tinalakay ang pangangailangang baguhin ang kasalukuyang pamasahe bunsod ng patuloy na pabago-bago at biglaang pagtaas ng presyo ng gasolina sa merkado.

Dumalo sa nasabing pagdinig ang iba’t ibang pamunuan ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Manaoag na nagpahayag ng kanilang mga saloobin at hinaing hinggil sa epekto ng tumataas na gastos sa operasyon ng kanilang hanapbuhay.

Personal ding nakilahok si Mayor Jeremy Agerico Rosario pangasiwaan ang kahilingan ng sektor ng transportasyon kaugnay ng inaasahang pagbabago sa pamasahe.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kapag tuluyang naaprubahan ang ordinansa, ang bagNG BARANGAY SA DAGUPAN CITY, NAGKAMIT NG ZERO OPEN DEFECATION CERTIFICATION

‎Walong barangay sa lungsod ng Dagupan ang ginawaran ng sertipikasyon bilang Zero Open Defecation (ZOD) ng Provincial Department of Health Office (PDOHO), Provincial Health Office (PHO), at Dagupan City Health Office Sanitation Division bilang pagkilala sa kanilang pagsunod sa mga pamantayan sa kalinisan at sanitasyon.

‎Kabilang sa mga barangay na nakatanggap ng pagkilala ang Bolosan, Salisay, Mangin, Caranglaan, Tambac, Salapingao, Lomboy, at Pugaro.

‎Ayon sa mga kinauukulang ahensya, naging batayan sa pagkakaloob ng ZOD certification ang paggamit ng malinis at sanitaryong palikuran, pagkakaroon ng sapat na sabon at tubig, wastong pagtatapon ng dumi, kawalan ng nakikitang dumi sa kapaligiran, at ang patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang kalinisan ng mga palikuran sa komunidad.

‎Bahagi ito ng pagpapatupad ng Philippine Approach to Sustainable Sanitation (PHATSS), isang programang naglalayong tuluyang wakasan ang open defecation at mapabuti ang kalusugan ng mamamayan sa pamamagitan ng maayos na sanitasyon.


‎Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang lahat ng residente na suportahan ang programang Zero Open Defecation sa pamamagitan ng pagkakaroon at wastong paggamit ng maayos na palikuran upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit at mapanatili ang kalusugan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments