Lacson: “Nananatiling malinis ang aking kamay pagdating sa corruption”

“Nananatiling malinis ang aking kamay pagdating sa corruption.”

Ito ang iginiit ni presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson nang tanungin sila kahapon sa isang presidential debate kaugnay sa pagtanggap ng suhol.

Ayon kay Lacson, ni minsan ay wala siyang tinanggap na suhol sa matagal na panahong pagseserbisyo niya sa publiko.


Hindi rin daw tinatanggap ni Lacson ang mga pabuya sa mga naging biktima ng kidnap-for-ransom na kanilang nailigtas dahil bahagi naman aniya ito ng kanilang trabaho.

Bukod pa diyan ang hindi niya pagkakaroon ng “pork barrel” habang nagsisilbi bilang senador dahil ayaw nitong maakusahan na tumatanggap ng mga komisyon.

Dahil dito, sinabi ni Lacson na maipagmamalaki niyang malinis ang kaniyang mga kamay pagdating sa isyu ng korapsyon.

Facebook Comments