Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Umiiral pa rin ang southwest monsoon o hanging habagat sa bansa.

Pero ayon sa PAGASA – hihina ang habagat sa mga susunod na araw.

Kaya pwedeng makipiyesta sa Santa Magdalena, Sorsogon lalo na at ipinagdiriwang ngayong araw Busaingan Festival.


Akyatin ang Mount Pulag sa Cordillera sa umaga dahil aasahan ang magandang panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila pero magkakaroon ng mga pag-ulan pagsapit ng hapon.

Tawirin ang San Juanico Bridge habang maaliwalas ang panahon sa buong Kabisayaan.

Magtampisaw sa Tinuy-An Falls sa Surigao del Sur dahil mainit at maalinsangan ang panahon sa halos buong Mindanao.

Facebook Comments