Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Nakakaapekto ngayong araw sa bansa ang tail-end of a cold at easterlies.

Huwag kalimutan ang inyong mga payong mga ka-Radyoman dahil kalat – kalat na pag-ulan ang asahan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Ilocos Region dahil sa epekto ng tail-end of the cold front.

Habang maulap hanggang sa mahinang pag-ulan ang mararanasan sa ilang lugar sa Caraga Region.


Magiging mainit naman ang panahon sa natitirang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.

Ang temperatura ngayong araw sa bansa ay nasa 24 hanggang 33 degree celsius.

Facebook Comments