Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magiging madalas na ang mga pag-ulan sa mga susunod na araw.

Ayon sa DOST-PAGASA, posibleng ideklara na ang opisyal na tag-ulan ngayong linggo.

Mainit sa Isabela at Tuguegarao habang may pag-ulan sa halos buong Luzon.


Maaliwalas sa buong Kabisayaan.

May posibilidad ng panandaliang ulan sa Mindanao lalo na sa Cagayan de Oro, Bukidnon at Saranggani.

Sa Metro Manila, mainit at maalinsangan pa rin sa tanghali pero mataas ang tiyansa ng thunderstorms sa hapon.

Sunrise: 5:26 ng umaga

Sunset: 6:25 ng gabi

Facebook Comments