Lahat ng mahistrado ng Korte Suprema, nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19

29

Kinumpirma ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 ang lahat ng 14 na mga mahistrado ng Korte Suprema.

Ang mga mahistrado ng Korte Suprema ay may edad na 50 hanggang mahigit 60 taong gulang, kaya sila ay kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 bilang mga senior citizens at may comorbidities.


Ayon kay CJ Gesmundo, nais ng Supreme Court na maipagpatuloy ang paggawad ng katarungan nang hindi isinasantabi ang kalusugan at kaligtasan ng lahat ng personnel.

Nabatid na halos 2,000 mga empleyado ng Hudikatura na ang tinamaan ng infection.

Facebook Comments