Lalaki arestado dahil sa illegal na baril

Kalibo, Aklan— Arestado ang isang lalaki sa isinagawang raid ng Kalibo Police station sa Brgy. Bachao Sur Kalibo. Arestado ang suspek na si Raffy Sarabia 27 anyos residente ng sitio Centro Ilawod ng nasabing lugar matapos silbihan ng search warrant ang pamamahay nito dahil sa pag iingat ng illegal na armas. Pasado alas 9:00 ng umaga kanina nang isinagawa ang naturang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Bienvinido P. Barrios Jr. kahapon April 7, 2021 kung saan maliban sa bahay ng suspek saklaw rin nito ang Toyota Camry na pagmamay-ari ni Sarabia. Narecover ng mga otoridad mula sa kwarto ng suspek ang isang Cal. 45 1911A1 pistol, dalawang magazine at 14 na bala nito habang walang anumang kontrabando ang nasamsam mula sa nasabing sasakyan. Aminado ang suspek na sa kanya ang naturang baril ngunit hindi pa umano nito naasikaso ang mga dukomento. Samantala ayon naman sa hepe ng Kalibo Police Station na si PLTCOL. Bellshazar Villanoche nasangkot sa grave threat si Sarabia noong nakaraang buwan kung saan nanutok umano ito ng baril sa kanilang lugar. Matapos aniya na maberipika sa records na walang legal na baril ang suspek at isinailalim sa survielance operation ay agad nila itong inaplayan ng search warrant. Sa kabilang dako, hinikayat rin ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa kanila para mapigilan ang pagkalat ng illegal na mga baril. Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive firearms law ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng Kalibo PNP.

Facebook Comments