Lalaki arestado matapos magpaputok at mahulihan ng baril

Makato, Aklan – Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa P.D. 1866 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang isang lalaki matapos na ito’y magpaputok at mahulihan ng baril Sabado ng gabi sa Sitio Maistang Cayangwan, Brgy. Cayangwan, Makato, Aklan.
Nakilala ang suspek na si Felix Tropa, 50-anyos at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report ng Makato PNP na nakatanggap sila ng report mula sa isang residente doon kung saan agad nila itong nirespondehan at pagdating nila doon ay naabutan pa nila ang suspek na nag huhuramentado sa loob ng bahay.
Agad nila itong inaresto at na-recover ng mga otoridad ang tatlong improvised air gun, tatlong improvised short firearms, boga, itak at mga bala ng .38 caliber revolver.
Sa ngayon ay kasalukuyang ng nakakulong sa Makato MPS ang suspek.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARAz4qJOWmKC7fsvdSrXg9h-IiqULJPsgzNW7cPn_cSyn-CPhTJHzOgZEJkaKqu2hO1nHVNf8zK_2dqLT6Or_3PF8yQcoJps1vEsniy3sot8pm23YMxe…>

Facebook Comments