COMELEC, itinangging may paksyon sa hanay ng commissioners

Pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC)na may pagkakahati-hati ngayon sa poll body sa gitna ng nalalapit na halalan.

Sinabi ni COMELEC Commissioner George Erwin Garcia na maayos pa ring nagagampanan ng En Banc ang kanilang tungkulin at ang pag-aksyon sa mga nakasalang na agenda.

Lumutang ang isyu na nagkaroon ng tensyon sa hanay ng COMELEC Commissioners matapos na magbitiw bilang chairperson ng Committees on the ban on firearms and security concerns si Commissioner Socorro Inting.


Nilinaw rin ni Garcia na nananatiling pinuno ng komite si Inting bagama’t irrevocable ang resignation nito dahil hindi pa naman inaksyunan ang pagbibitiw nito.

Facebook Comments