League of Provinces of the Philippines, sinabing mas marami na ngayong nagpapabakuna sa mga lalawigan

Inihayag ni Gov. Presbitero Velasco, ang presidente ng League of Provinces of the Philippines na mas marami na tayong mga kababayan sa lalawigan ang nagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na ramdam naman ng ating mga kababayan ang advantage at consequences kapag hindi bakunado.

Aniya kapag hindi bakunado, limitado ang kilos dahil maging sa mga probinsya ay umiiral narin ang “no vaxx, no labas” policy.


Maliban pa sa mas malalang epekto ng virus na maaaring magdulot ng kamatayan sa mas nakatatanda at vulnerable population.

Ani Velasco, ngayong parami ng parami ang kaso tuloy-tuloy rin ang ginagawa nilang paghihikayat sa iba pa nating kababayan na hindi pa nagpapabakuna.

Nagkakaroon din sila ng information dissemination campaign upang ang tamang impormasyon hinggil sa bakuna ang malaman ng ating mga kababayan lalo na sa mga liblib na lugar kaysa maniwala sa fake news.

Facebook Comments