Pagbubukas ng 2nd Semester sa Universidad de Manila, ipinagpaliban dahil sa COVID-19 surge

27

Ipinagpaliban ng Universidad de Manila (UDM) ang pagbubukas ng 2nd semester nito sa February 7 ngayong taon.

Ito ay sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon sa pamunuan ng unibersidad, marami rin kasi silang mga estudyante at empleyado ang nagpositibo sa infection.


Tugon na rin ito ng UDM sa deklarasyon ng Manila Local Government Unit (LGU) na isang linggong health break para mabigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral at mga guro na maka-recover sa COVID-19.

Facebook Comments