Pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) kung papayagan ba nila ang temporaryong pagpasok ng Afghan nationals sa Pilipinas.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Mico Clavano, sinusuri nilang mabuti ang legalidad at hiling ng United States na papasukin sa bansa ang mga dayuhan.
Kailangan muna aniyang hintayin ang magiging resulta ng pag-aaral ng DOJ legal department sa kanilang magiging desisyon.
Matatandaan na humiling ang US sa Pilipinas na pansamantalang patuluyin ang Afghan refugees habang ipinoproseso pa ang special immigration visa para sa kanila.
Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., na naghihintay rin sila ng opinyon mula sa DOJ.
Facebook Comments